KWENTONG OFW

maari nyo ibahagi ang inyong karanasan, buhay buhay, kahit ano na pwedeng kapulutan ng aral o magdulot ng tuwa sa mga nalulungkot nating kasamahan







BUHAY SA IBANG BANSA

BUHAY SA IBANG BANSA

Friday, January 22, 2010

Sa Gitnang Silangan

Sa Gitnang Silangan.... dito na siguro ang pinaka popular na lugar na pinupuntahan ng ating mga kababayan dito na marahil madaling bansang pasukin dahil na rin siguro sa dami ng agency na nagkalat sa maynila lalo na sa lugar ng ermita na nagdedeploy patungo dun, marami ako nakausap na nanggaling dun may maganda ang nangyari may iba naman ang minalas. Sa aking karanasan at kwentong ibinahagi ng aking sariling ama na nakarating dun, isa siya sa mabuti ang mapuntahang amo dahil na rin siguro sa mga panahong iyon ay kailangan talaga ng mga arabo ang manggagawang pinoy dahil na rin sa kanilang angking talino sa pagawa. Halos 3 taon din pabalik balik ang aking ama sa naturang bansa wala naman siyang bangit na di magandang pagtrato sa kanya. Ang tanging naging negatibong paglalahad sa akin ay yung pagkakaiba ng kultura, kaya na rin ipinapayo nya sa sinuman sa amin na kung kami lalabas ng bansa dapat naming alamin maigi ang aming patutunguhan upang di kami mapahamak, kaya lang nagtitiis ang mga pinoy na pumupunta sa lugar na ito ay wala silang kasiguraduhang may makukuhang trabaho sa bansa natin kung mayroon man di sapat sa pamilya. Sa bansang ito kadalasan ang nakakaranas ng di magandang pagtrato ay yung mga kababaihan may mga pangyayari na sila ay inaabuso di pinapakain at di pinapasahod. Kaya di rin mabilang ang mga kaso ng pagkawala sa sarili na nagtutulak sa kanila na lumaban at makapatay. Marami sa napapapunta sa bansa na yan lalo na sa panahon ngaun ay kukurampot lang ang kanilang kinikita. May mga pagkakataon na yung sweldong pinadala ng OFW ay sapat lang sa pambayad ng utang na ginastos ng nakaraang buwan. Ang pamilyang naiwan sa pinas di malaman kung ano ang gagawin pilit na pagkakasyahin na lang ang matitira kung meron man. Ang hirap talaga!!

Hirap ng Buhay

Paano ba maging OFW o kung tawagin ng Gobyerno ay bagong BAYANI. Maraming paraan!!! yung iba pumupunta sa mga recruitment agencies yung iba naman ay nagtitiyagang magregister at maghintay ng tawag sa POEA kung kelan mayroong available na job order para sa kanilang kasanayan. Sa mga dumadaan sa agency meron silang mga pinababayarang placement fee na dapat ay di hihigit sa buwanang sweldo ng trabahador ayon sa POEA, sa mga dumadaan sa proseso ng ahensya para mapadala ka sa ibang bansa kadalasan ay malaki ang iyong magagastos bago ka tuluyang makaalis minsa sa kamalas malasan pa ay maliit ang iyong sweldo. May napapapunta pa sa malulupit na amo, kung hindi man nananakit, huli kung magpasweldo, di ko naman nilalahat ang mga recruitment agencies ang ikinukwento ko lang ay yung mga maririning at maikwento din sa akin ng mga taong nakasabay ko sa kung saan saang kadalasan na pinupuntahan ng mga taong gusto maging OFW!!!

Kaya ko inumpisanhan itong kwento ko ay para maging daan ang blog na ginawa ko para sa mga OFW para mabahagi ang kanilang karanasan at mapawi ang kalungkutan ng mga kababayan natin lalo na yung wala karamay kapag sumasapit ang oras na kailangan nila ng kausap at para dun sa mga balak palang mag OFW para makakuha sila ng mga payo o kaalaman sa bansang balak nila puntahan

Bukas itong blog na to sa lahat ng kababayan natin na gustong magbahagi ng kanilang kaalaman, payo, karanasan at kung ano pa na pwede nating talakayin na maaring makatulong sa iba